MANHID

1.6K 14 3
                                    

MANHID

ni supladongtorpe09

sawa na kong magpanggap na di nasasaktan..

sana malaman mo rin na kapag nakatalikod ka na'y naiiwan akong luhaan.

 paano mo nga ba mapakikinggan ang bawat paghikbi ko at buntong hininga?

kung sa bawat oras na kasama kita'y wala kang ibang bukambibig kundi ang mga oras na kasama mo siya.

mahal kita... sana mahal mo rin ako..

napapagod na kasi akong tagasalo ng mga luha mo.

pero inaamin ko, sa mga oras na kasama kita'y wala na akong mahihiling pa.

 hinihiling ko pa nga na sana ang oras ay di na lumipas pa..

pero wala akong magagawa.

pilitin ko mang ipihit pabalik ang oras at maiwan sa iyong mga alaala,

kusa akong sinasampal ng reyalidad at ibinabalik sa mga panahong ako ay nilisan mo na.

ganito ako basta para sa'yo..

ganito ako kasi ikaw ang mahal ko..

pero sana nama'y ako naman ang mapansin mo,

hindi yung magtitiis na lang ako ng sakit sa tuwing ikaw ay magpapaalam na kayo'y tatambay sa kanto...

Ilang taon ko na nga bang itinatago ang pagtingin ko sa'yo?

 ewan ko alng kasi simula pa lang sa pagkabata'y naramdaman ko na 'to.

 basta... hindi ako magsasawang mahalin ka ng buong puso ko,

magtitiis ako.. masaktan man o maging bato...

Manhid man ang tawag nila sa akin ay wala akong pakialam.

dahil sa puso ko'y tanging larawan mo lang ang laman.

 pero sana naman ay dumating na ang oras na pag-ibig ko'y masumpungan,

bago pa dumating ang oras na ang puso ko'y wala nang maramdaman....

 :'(

                                                                                           - Enzo Delos Santos

matamaan na ang matamaan.. pare-pareho lang tayo.. ahahha.. mga MANHID!!

**mula po sa story ko** pabasa na lang po para matunghayan nyo ang love story ni enzo at kathrine, hhehhe

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon