Pasensiya na II

372 6 0
                                    

Pasensiya na

by aeiouxz

Hindi na raw ako

ang dating ako.

Ako'y biglang nagbago, 

Nanlalamig na ako.

Hindi ko mawari.

Hindi ko maipaliwanag.

Mas mainam pa ang ngumiti na lang

Kaysa ang makipag-usap.

Ayoko na!

Nasasawa na ako.

nasasakal.

Nawawalan ng gana.

Alam kong nasasaktan ka na

Pero wala na sa akin ang lahat.

Pasensiya na, wala na talaga.

Hindi na kita mahal, hindi na talaga.

Makahahanap ka rin

ng taong mas karapatdapat sa pagmamahal mo.

Yung taong ibibigay sa iyo

ang pagmamahal na ninanais mo.

kalimutan mo na ako.

sana'y makaya mo.

Pasensiya na kung naging mahina ako.

Pasensiya na kung sa palagay mo ika'y aking niloko.

Paalam na

hindi ko na kayang magpanggap.

paalam na,

kalimutan na natin ang lahat.

10-1-14

Sorry. :'(

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon