MAGKASALUNGAT

8.3K 117 33
                                    

Magkasalungat

 I

Sa pagbubukang-liwayway,hanggang sa muling pagdilim,

Sa pagganda ng panahon, hanggang sa pangungulimlim,

Sa iyong pagpapaalam, hanggang sa muling pagdating,

Para bang palaisipan na may tinatagong lihim.

 II

Bumibilis, bumabagal, lumalakas, humuhupa,

Ang bago'y nagiging luma, ang maikli'y humahaba,

Ang maliit lumalaki, ang mabango'y bumabaho,

Ang lahat magkasalungat ngunit parang konektado.

 III

Umaalis, bumabalik, ngumingiti't tumatawa,

Umaayaw, tumutuloy, umuuwi, sumasama.

Lumalambot, tumitigas, lumalakas, naghihina,

Ano nga bang kahulugan, ng mga pagkakaiba?

 IV

Bumubuo't gumigiba, lumilitaw, nawawala,

Tumataas, bumababa,umuula't tumitila!

Umuukol, bumubukol, namamali't tumatama,

Ikaw ba ay pagpapala, o isang malaking sumpa?

 V

Sa rurok ba ng ligaya, o sa kahihiya't dusa?

Ewan ko kung saan, ikaw, nakapili ka na ba?

Magkasalungat na daan, sa kanan ba o sa kaliwa?

Basta!... hindi ko pa alam...na sa 'yo ang pagpapasya.

 VI

Kung minsan, ang buhay nati'y magkasalungat.

Nalilito sa pagpili kung anong karapatdapat.

Sa tama ba o sa mali, sa itaas ba o ibaba?

Mag-ingat katoto na sa 'yo pa rin ang huling pasya.

 

 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon