Hugot ni Antonio

3.9K 11 3
                                    

Hugot ni Antonio


Ikaw ang di lumaban.

Ikaw ang siyang nagkulang.

Kaya wag mong ipamumukha sa akin ang iyong mga kasinungalingan, 

Dahil sa simula pa lang alam kong mauuwi lang tayo sa lokohan!



Wag ka nang magkaila, huling-huli na kita,

Wag ka nang umangal dahil hindi ako tanga.

Paliwanag? Para gumawa ka na naman ng dahilan? 

Na sa huli'y sigurado akong isa na namang kasinungalingan.



Ayoko na. Tama na. Masakita na.

Baka kapag pinakinggan pa kita'y maging dakila akong tanga.

Umalis ka na sa harapan ko, ayaw kong saktan ka.

Sana sa paglayo ko'y habulin ka ng karma.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon