Patawad, Kaibigan!

1.7K 10 0
                                    

Patawad, Kaibigan!

Supladongtorpe09

Sa mga panahong ika’y nakasama,

Nalilimutan ko ang aking mga problema.

Ako’y iyong tinatapik sa balikat t’wina

At pinapaalalang  ako’y may kasama.

Kaibigan malapit kung ika’y aking ituring.

Nawa’y ingatan ka ng Diyos sa’n ka man makarating.

Sana sa kasalanan ko’y mapatawad na rin,

Pagkat sa buhay ko’y mahalaga ka rin.

Hiling ko lang sana ay ‘wag masira,

Ang pagkakaibigang binuo nating dalawa.

Pangalawang pagkakataon sana’y ibigay pa,

Pangako, hinding-hindi ko na sisirain pa ang iyong tiwala’t simpatya.

---------------------------------------------------------------------------------

patawad sa mga pagkakamali ko.. salamat sa pag-unawa at pagmamahal.

isa kang tunay na kaibigan!

:)

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon