One Last Song - VI

615 5 0
                                    

N/p: Kundiman by Silent Sanctuary

Kahit malayo ka'y bakit ikaw ang lagi kong naiisip?

Unti-unti ko nang nakakalimutan ang sakit,

Ngunit bakit sa isip ko'y hindi ka maalis-alis?

Di kaya't ako na rin sa iyo ay umiibig?

Ilang oras na lang at magkakasama na tayong dalawa.

Masusuklian ko na ang pag-ibig mong ibinigay ngunit itinapon ko pa.

Ako kaya'y hinihintay mo pa rin at nais pang makita?

Ngumingiti ang puso ko kapag naiisip kong kaharap ka na!

***

Darating din ang punto na malalaman nating mahal na natin ang taong minsa'y binaliwala natin. Sa lugar na malayo sa kaniya. Sa lugar kung saan mo muling binuo ang iyong sarili at humilom ang pusong ngayo'y handa nang magmahal muli.

 Tatlong taon ang lumipas at tuluyan nang nakalimot si Remi.

Napagtanto niyang mahal na niya si Sebastian.

Ngunit mayroon pa nga kaya siyang babalikan?

 ****

N/p: Paglisan by Jericho Rosales

Pagtibok ng puso ko'y hindi ko na maramdaman.

Ang mga pawis sa mukha, sa pagpatak ay nag-uunahan.

Gumuguhit ang mga luha, labis na lungkot ang nararamdaman,

Lakasan man ang pagsigaw ay hindi na kita maililigtas, aking Sebastian.

Ikaw, na minahal ako ngunit binaliwala ko lang.

Sinaktan kita't iniwang nagtatanong sa kawalan.

Akala ko kasi'y mahiintay mo ang aking pagbabalik sa'yong kandungan.

Ngayo'y wala na akong magagawa kundi ang pagmasdan

                   ang walang buhay at namumutla mong katawan,

                     tanda ng iyong malungkot na paglisan...

***

Saka natin mapagtatantong mahal natin ang isang tao kapag dumating na ang puntong wala na siya.

Hindi sinasadyang sa araw ng pagbabalik ni Remi ay naisip magpakamatay ni Sebastian dala ng labis na kalungkutan at pangungulila. Gamit ang lubid ay ninais niyang wakasan na ang kaniyang buhay dahil wala rin lang naman ang taong dahilan kung bakit siya nabubuhay.

Malaki ang ipinagbago niya at halos hindi na rin niya nakilala ang sarili.

Nawalan ng trabaho, nalulong sa bisyo, at namuhay nang mag-isa ngunit hindi nagbago ang kaniyang pagmamahal para kay Remi.

Narinig pa niya ang boses na Remi at sa hulng sandali ay muli siyang sumaya ngunit hindi sinasadyang nang aalisin na niya ang kaniyang leeg sa lubid ay aksidenteng natapig niya ang bangko, na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

 

Paano haharapin ni Remi ang lalaking kaniyang binaliwala at iniwan, kung kailang saka niya napagtantong mahal niya ito ay wala na?

Magagawa pa kaya niyang bigkasin ang salitang mahal kita kung kailang huli na ang lahat?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon