Poser

373 8 0
                                    

Poser

-aeiouxz


Laging seenzoned sa messenger,

kung magtext, napipilitan lang.

"Active now" pero hindi man lang maunang magchat,

matutulog na raw, pero nakakapagpost pa rin ng status.

Nananadya ka ba,

o sadyang tinatamad ka lang na kausap ako?

Baliwala... lagi na lang ganun.

kahit isang minuto man lang, pwede bang mahiram ang oras mo?

Nakatulugan na ang paghihintay sa reply mo,

pero paggising ko wala pa rin.

Sampung messages na ang naisend

pero bakit seen pa rin?

Madali lang namang sabihin na "busy ako".

Madali lang naman sabihin na " 'wag kang istorbo".

Pero wala eh, masakit pa rin...

hindi ko lang matanggap kasi dati, halos mapuyat ka sa pagchat sakin.

Ano pa ba ang kailangan kong gawin?

Ginawan na kita ng cover ng paborito mong kanta.

ginawan na ng tula, pero wa-effect pa rin,

sabihin mo, may iba ka na bang gusto?

Alam kong mali,

nagmumukhang na akong ungas pero go pa rin.

wala eh, tinamaan na ako sa'yo eh,

yun nga lang, pinaasa mo lang ako.

Pa-fall ka rin kasi,

magaling lang sa umpisa, tapos kapag nahulog na ako, mawawala ka na lang nang bigla.

kung sa umpisa pa lang sana'y sinabi mo nang 'wag na akong umasa,

eh di hindi sana hindi ganito kasakit di ba?

S'ya nga pala, pinaloadan kita ng 100 pesos

yun yung promise ko sa'yo last week nang matalo ako sa deal natin.

Kapag hindi ka nagpasalamat, eh talagang makapal na ang mukha mo.

manggagamit, manloloko, langya, promise, pagkatapos nun, ibablock na kita sa fb ko.

Bahala ka na.

masakit na talaga eh.

magpakasaya ka na lang sa bagong kachat mo,

mag-ingat ka kasi baka poser din yun tulad mo.

Tangna... ang laki kong tanga!

nakakabwisit ang pagmumukha mo, langya ka, poser ka pala!

nakakainis kasi nagpakalungkot ako sa isang huwad,

akala ko maganda, yun pala mukha kang kawad.

hayaan mo, gagawa rin ako ng account,

magpapakaposer din ako para makaganti sa'yo.

humanda ka, dahil sa sunod, ikaw naman ang magiging tanga.

ako na ang gagawa ng iyong karma.

ipaparanas ko rin ang lahat ng naranasan ko sa'yo.

magmumukha ka ring ungas tulad ng napala ko...


Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon