Hanggang dito na lang

642 7 0
                                    

Hanggang dito na lang

by aeiouxz

Alam kong mahirap pero kailangan na kitang kalimutan.

Dahil habang pinipilit ko ang sarili ko sa'yo, lalo lang akong nasasaktan.

Mahirap nang ibalik ang nakaraan, marami  na tayong bagay ni 'di napagkasunduan.

kaya't mabuting tapusin na lang ang lahat kahit labag sa kalooban.

Salamat sa pagmamahal.

Sa mga oras na nakasama kita

at naging dahilan ng bawat kong ngiti.

Salamat sa lahat ng alaala,

 sana'y makaanap ka ng taong hihigit sa pagmamahal

na inialay ko sa'yo.

'yong kayang ipagsigawan na mahal na mahal ka,

at kayang ipaglaban ang sinumpaan ninyong dalawa.

Hanggang dito na lang tayo.

Hanggang dito na lang ang pag-ibig na ipinangako ko sa'yo.

Hanggang dito na lang tayo, sana'y maunawaan mo. 

Pero asahan mong nandito pa rin ako sa'yo.

9-6-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon