Sa apat na sulok

459 5 0
                                    

Sa apat na Sulok

by aeiouxz

Sa bawat pagpitik ng kamay ng orasan,

mga nasasayang na alaala'y hindi ko mabilang.

Nais ko silang makita, nais kong masilayan

Ngunit paano ko iyon magagawa kung ako'y nasa piitan?

Sa apat na sulok nitong madilim na silid,

Ako'y ikinulong, ang dahila'y hindi ko batid.

Wala akong alam, inosente ako.

Ngunit aking pinagbabayaran ang pagkakasala ng ibang tao.

Dahil ba sa ako'y isang hamak lang, api at aba?

kaya't karapatan ko'y ipagkakait nila?

Nasaan ang katarungan? Dangal ko'y wala na!

paano ba makababawi sa aking pamilya?

Bawat araw na lumilipas ay tila isang bangungot.

Mga nasayang na sandali, kailanma'y hindi na mapupulot.

Pangalan ko'y nasira, sa isang iglap ay nawala.

Ang lahat sa buhay ko'y naglahong parang bula.

Limang taon na lang at akin na raw malalasap.

Ang kalayaang sa umpisa'y  ipinagkait, ninakaw

Limang taon pa'ng bubunuin sa pagtanaw sa mga ulap

Ano pa kaya ang babalikan ko sa buhay sa labas?

Ako kaya'y kilala pa ng aking mga anak?

Mga kaibigan ko kaya, ako pa'y matatanggap?

Magiging normal pa kaya sa akin ang lahat,

O isa na namang bangungot na aking makakaharap?

10-1-14

 "Hindi lahat ng taong nakapiit ay siyang may sala.  Ang iba'y napagbibintangan lang."

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon