Bukas Ulit

331 7 0
                                    

Bukas Ulit

by aeiouxz

Mahigpit na yakap na tila wala nang bukas,

Ang aking iginanti sa halik mong wagas,

Kaytamis, kaysarap bawat dampi ay may kahulugan,

Tibok ng ating puso ang tanging mapakikinggan.

Sa init ng iyong katawa’y naaakit ako,

Ayoko nang umalis, ayoko nang matapos ang sandaling ito.

Angkinin mo ako, ariin mong iyong-iyo,

Magpapaalipin para lamang sa iyo.

Kapagdaka’y ibinaba mo ang iyong halik sa ilalim ng aking tenga,

Ako’y napaungol, hindi mawari ang nadarama.

Napakapit sa’yong buhok, kinakapos ang hininga,

Pakiusap huwag mong tigilan, diinan mo pa!

Madilim ang paligid ngunit sa’yong mga mata ay nakikita ko,

Ang tunay na liwanag, ang tunay na ganda ng mundo.

Malambing, nanunudyo, nang-aakit at nanunukso,

Sa halik mo’y tila langit ang mararating ko!

Kakaiba ang sensasyong ating nalilikha,

Isang magandang musika ang paglalapat ng ating mga balat na ngayo’y nang-iinit na.

Sa bawat pag-indayog ng katawan nating basa

Ng pawis na kaylagkit, nakapanghihina!

Masakit. Masarap. Pero nananaig ang pag-ibig,

Sa bawat kilos mo’y nagbabago ang  ating daigdig.

Ang lahat ay may ngiti sa pagyakap ko sa’yong bisig,

Sa pagtaas ng balakang pag-ibig mo’y walang patid.

Ingatan mo ako, sikapin mong hindi dumugo,

Huwag magkaroon ng mantsa ang bagong kumot na binili ko.

Doon sa langit mahal ko, ihatid mo ako,

Sa rurok ng kaligayaha’y akayin mo ako.

Bumibilis, bumabagal, napapagod humihinto.

Sa bawat pagpikit ng ‘yong mata’y nalilimutan ko ang pangalan ko.

Hindi kita makilala, nangingibabaw ang kabaliwan ko,

Uhaw sa pagdampi ng labi mong inibig ko.

Bigla kang napayakap sa akin ng mahigpit,

Nagmamadali, nangungulit, parang mapupunit.

Ang aking kaluluwa’y inalipin mong paulit-ulit,

Tuloy sa aking labi, ngiti’y hindi na mawaglit.

Napasubsob ka sa aking katawan,

Isinuksok ang ulo sa’king tabi, sa buhok ko’y nanahan.

Mga katagang kaysarap pakinggan ang iyong ikinubli,

Sa sulok ng isip ko’y nagbabalik ang nagdaang masarap na paghihiganti.

“Bukas ulit mahal ko, sa ganitong oras.

Hihintayin na lang kita sa opisina, sa labas.

Halika na, magbihis ka na at maghugas,

Uuwi na ako sa bahay at baka ako’y madulas!”

 

 

 11-4-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon