Mahal na pala kita

1.4K 18 2
                                    

Mahal na pala kita

Ni aeiouxz


Unang sulyap,

Unang pagngiti,

Ikaw na ang pangarap,

Ng pusong  tumitili.


Mga labi mong kaypula,

Ang kutis mong kayputi,

Ikaw ba'y  nag-iisa't

Walang nagmamay-ari?


Maaari ko bang malaman

Kung saan ka nakatira?

Nang maiuwi mo na ang puso kong

Lihim sa'yong sumisinta.


Maaari ko rin bang malaman

Ang iyong pangalan?

nang maisigaw na ng aking pusong

lihim sa'yong nagmamahal.


Mahal na ata kita

Ngayon ko lang namalayan,

Hindi pa man kita kilala'y

Laman ka na ng isipan.


Mabigyan lang ako ng pagkakataong

Ikaw ay makilala,

Hindi ko sasayangin ang panahon

Para iparamdam sa'yong mahal na mahal kita!


...

 yung nagbabasa nito.. mahal na mahal ko. hehehe

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon