Bakit Mahal pa rin Kita?

897 17 6
                                    

Bakit Mahal pa rin kita?

by aeiouxz

Ilang ulit ko nang tinanong ang sarili ko.

Kung tuluyan na bang nakalimot ang puso ko.

Hindi na raw kita mahal, pinipilit kong paniwalaan ito,

Pero bakit hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nasa isip ko?

sa kabila ng mga kasalanang iyong ginawa.

na pilit kong inintindi at inunawa,

sa kabila ng pagkukulang na aking napala,

bakit sa huli'y ako pa rin ang nagmukhang kawawa?

Marupok ako pagdating sa iyo.

Ikaw ang kalakasa't kahinaan ko.

Isang sorry mo lang, bumibigay na ako,

kahit alam kong sa bandang huli'y hindi ka magbabago.

Marahil ay mahal pa talaga kita.

hanggang ngayon, aaminin ko ikaw pa rin talaga.

Alam kong mali dahil may iba ka na.

Pero maaari ko bang sabihing Mahal pa rin kita?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon