Pangungulila

1.7K 10 4
                                    

Pangungulila

Ni supladongtorpe09

Araw-gabing nakatitig sa iyong larawan,

Binabalikan ang alaala ng ating nakaraan.

Bakit nga ba kailangan mo pang lumisan?

Gayong hindi iyon ang nais ng puso mong sugatan.

Naglalakbay ang isip sa mga darating na bukas,

Lumuluha’t natatakot pagkat mukha mo’y hindi na mamamalas.

Madama mo rin kaya ang pangungulila ko’t lungkot?

Kung ang ating mga kamay ay hindi na magkakadaop?

Isang araw, dalawa, hanggang maging isang taon,

Larawan mo sa puso ko’y hindi ko pa rin itinatapon.

Nagtitiwala sa pangako mong sa pagdating ng panahon,

Muli nating dudugtungan ang kuwento ng kahapon.

Lumuluhang mag-isa kapag ika’y naaalala,

Ngumingiti’t tumatawa, pinipilit magpakasaya.

Ikinukubli ang lungkot, ibinabato sa mga tala,

Humihiling na sana bukas ika’y nandito na.

Hanggang kailan kaya madadala itong sakit?

Ang iyong magandang mukha’y kaylan ko masisilip?

Habang buhay na lang  bang aasa sa’yong pagbabalik?

O tuluyang makukulong sa rehas ng kalungkutang kaysikip!

*******************

ang pinakamahirap na parte ng pagmamahal ay ang umasa sa pagbabalik ng taong mahal mo,.

 araw-araw, parang napakabagal tumakbo ng orasan. nakakainip. pero hindi pa rin nawawala sa puso mo yung pananabik para sa muli ninyong pagkikita...

pero ang tanong, hanggang kailan???

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon