Hindi na Bale

404 8 1
                                    

Hindi na Bale

by aeiouxz

Sa puso’y nagbalik ang dating sigla,

Ang galak at tuwa pagkat babalik ka na,

Sa aking piling, sa bisig ko’t pag-iisa’y

Ibabaon sa limot pagkat kapiling na kita.

Mahirap. Masakit. Isip ko’y gulung-gulo,

Sa mga oras na malayo ka’y litung-lito ako.

Hindi mo lang alam, hindi mo man natatanto,

Isang kabiguan ang ika’y sumuko sa’yong mga pangako.

Pero sa kabila ng lahat, naniwala pa rin ako sa’yo.

Minahal kita ng lubos kahit ako’y iniwan mo.

Naniwala, kumapit sa pagmamahalan nating dalawa,

Kahit ang katotohana’y pangalawa lang ako sa kanya.

Ngayong naririto ka na’y magkahalo ang kaba.

Ang lungkot at pighati ay bumabalik ng kusa.

Bakit hindi ko magawang maging tunay na masaya,

Kahit ilang saglit na lang ay makakapiling ka na.

Ang kasiyahan ko’y kalungkutan niya,

May ngiti sa aking labi, may luha sa kaniyang mga mata.

Hindi na bale, ang mahalaga’y mahal kita.

At ang pinakamahalaga’y kasama kita kahit may isang taong nagdurusa.

11-4-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon