Ikaw ang TULA

1K 4 0
                                    

Ikaw ang tula
ni supladongtorpe09

Ikaw ang tula,
Ang tula ko'y ikaw.
Ikaw at ang tula'y iisa,
Ang tula at ako ay ikaw!

Ikaw, na sa puso ko'y nakatatak.
Ikaw ang tula na aking isinusulat.
Dahil ikaw ang tula ng puso ko,
Ang tula ng puso ko ay ikaw!

Sa hinahabing tula'y ikaw ang pantig.
Ang bawat letra ng tula ng pusong pumipintig.
Ikaw ang tula, ang aking daigdig.
Ang tulang pinipithaya ng makatang umiibig.

Kung wala ka'y paano mabubuo ang aking tula.
Mawawalan ng taludtod, mawawalan ng tugma!
Ilan ang saknong kung ika'y mawawala,
Mamamanglaw ang mensahe't sa babasa'y makukutya.

Ikaw ang tula, ang tula ko ay ikaw!
Ikaw ang awit ng tulang tila sumasayaw.
May ritmo, may himig, kaligayaha'y umaapaw!
Pang-aliw sa pusong sa'yong ganda'y nanliligaw.

Pakiusap ko sana aking tula,
Sa buhay kong ito, paglisan sana'y di magawa.
Pagkat puso'y di na titibok, pagluha'y di na huhupa,
Paa'y di na kikibo't malalamon na ng lupa!

3-26-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon