NGITI

1.3K 10 1
                                    

NGITI

Ni supladongtorpe09

Nakabibighani.

Nakaaakit.

Nakikita ko sa aking guniguni,

Kahit ako’y nakapikit.

Mga ngiti mong kayrikit,

Ang bumihag sa aking puso.

Malamakatang linyang kaylupit.

Handang ialay sa iyo.

Pakiusap ko sa’yo magandang binibini,

Huwag mo akong lalapitan,

Pagkat kapag ako’y hindi nakapagtimpi,

Ika’y aking hahalikan.

Napapansin mo ba ang mga lihim kong sulyap

Kapag ika’y paparating?

At ang mga matang kumikislap

Kapag ika’y sakin nakatingin?

Nahulog na ako sa iyong mga ngiti.

Sa iyong mga salita ako’y nakikiliti.

Kinikilig ba ako o para lang maiihi?

Sa tulang itong isinulat ko pa kagabi,

Sana’y malaman mo ang lihim kong pagtatangi.

Huwag ka sanang magulat o kaya’y manggalaiti,

Sa mahalay kong tulang bunga ng iyong ngiti.

___________________________________________________________________

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon