Pasensiya na

578 10 4
                                    

Pasensiya na

by aeiouxz

Handa akong pasayahin ka kung pahihintulutan mo ako.

Handa akong mahalin ka ng buo kung mamahaln mo rin ako.

Iaalay sa'yo ang mundo pinapangako ko sa'yo,

Shet! Nakalimutan ko hanggang "kaibigan" lang pala ako sa'yo.



Hindi pa ba sapat ang lahat ng aking ginawa?

Hindi ka ba naniniwala sa aking mga salita?

Mahal kita, mahal na mahal pero bakit hindi pwedeng lumampas dun?

Hanggang kailan ako aasa't magbibilang ng taon?



Pasensiya na, hindi ko pa rin kasi matanggap.

Akala ko ay sapat na at naibigay na ang lahat.

Anuman ang iyong pasya'y uunawain ko na lamang.

Pero asahan mong mamahalin ka pa rin  magpakailnpaman.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon