MASKARA
Ni supladongtorpe09
Sa likod ng mundong nababalot
ng mga masasayang ngiti,
Ay may mga pusong nilalamon ng poot
at mga luhang hindi maikubli.
Marami sa atin ang nagpapanggap,
Nakasuot ng maskara’t nagpapakahuwad.
Pinipilit na ngumiti kahit puso’y sugatan,
Tinitikis ang luha kahit di na kayang pigilan.
Sa pag-iisa’y tila nilalamon ng lupa,
Nais nang mangwasak, gusto nang magwala.
Mag-isang binabagtas ang mundo ng kawalan,
At nahuhulog sa sariling bitag ng kapahamakan.
Mahirap magpanggap at magsuot ng maskara,
Ngumiti sa mga tao kahit ang puso’y wasak na.
Bumubulong sa hangin, pinipilit na maging Masaya
Wag lang silang dulutan ng alinlanga’t pangamba.
“okay lang na ako lang ang magdusa,
Wag lang ang mga taong sa aki’y mahalaga.”
Ang mga katagang ito’y tila isang malaking kampana,
Na madalas na bitawan kahit tuhod na’y nanghihina.
Magiging masaya rin ako,
Kahit ako’y nakamaskara.
Magiging mabait sa akin ang mundo,
Sa aking huling buntong hininga.
**************************************
mahirap magpanggap...
mahirap magsuot ng maskara...
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Isang Manhid
PoetryHighest Rank: #1 June 2013 Top 1-10 (June to August 2013) Para sa mga manhid. tanga. seloso. martir. suplado. paano nga ba ang magmahal? paano ang magmove on? paano mo ipapamukha sa ex mo na kaya mo nang wala siya? sana makatulong ang mga tula ko sa...