Noon, Ngayon at Bukas

5.9K 88 26
                                    

Noon, Ngayon, at Bukas

 By aeiouxz

I

 Noon, ngayon, at bukas aking pangako,

Habang buhay na tapat sa’king pagsuyo.

Pagkat tanging ikaw ang aking pintuho

At s’yang nilalaman nitong aking puso.

 II

Marami mang pagsubok sa aking daan,

Pilit babagtasin ang ating tagpuan.

Pagkat dun nabuo an gating sumpaang,

Ako’y sa’yo, at ika’y akin lamang.

 III

Hanggang ngayo’y sariwa pa sa’king isip,

Kahapong kay saya’t kahapong kay tamis.

Kung pa’nong hinadlangan ating pag-ibig

At pa’nong lumaban sa dusa’t ligalig.

 IV

Katulad mo noo’y bituin sa langit.

Na di maaabot anuman ang pilit,

Na sa taong tulad ko’y di maaakit,

at ang ibigin ka’y katumbas ang sakit.

 V

Samantalang ako’y isang simpleng tao

Anak-dalita’t walang puwang sa mundo.

Na maging sa buhay hanggang sa husgado,

Palaging naiipit, parating talo.

 VI

Ngunit gayunpama’y hindi nagpasindak,

Pag-big ko sayo’y aking isiniwalat.

Kahit maraming taong saki’y nangusap,

Na sa katotohanan mata’y imulat.

 VII

Marahil siya’y baliw, sa akin pa’y sabi,

Na ang pinasok ko’y problemang kay laki,

At kahit kailanma’y hindi mangyayari

Ang aking ilusyong tila imposible.

 VIII

Ngunit laking tuwa nang aking malaman,

Na angating puso’y iisa ang laman

Puso’y lumigaya’t tila nabunutan,

Nang malalim na bikig sa lalamunan.

 IX

Sumunod na araw’y batbat ng ligaya,

Tayo’y masaya’t mundo ay bahala na!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon