NASAAN KA NA KAYA?

1.2K 16 3
                                    

NASAAN KA NA KAYA?

ni aeiouxz


naghihintay, nag-aabang

naghahanap ng makakausap

nagmumuni, nagbabalik,

naguguluhan ang isip


bakit ba kailangang mag-isa't

solohin ang sandali?

nasan ka na kaya?

nasaan ka na kaya?


kanina'y narito ka lang

pero bakit ngayo'y wala ka na?

alam kong ayaw mong umalis

pero bakit mo pa rin  ginawa?


ramdam mo ba ang sakit,

na aking tinitikis?

ang hirap ng dibdib,

at mga buntong-hininga?


iniisip ko na lang na katabi kita.

na nandito ka lang at kapiling pa.

pero tanging malamig na hangin,

ang humahaplos sa akin.


wala ka na talaga.

tanda ng katotohanang ako'y iniwan mo na.

pero nasaan ka na kaya?

saang bahagi ng mundo kita makikita?


nasaan ka na kaya?

sana ako'y naiisip mo rin.

nasaan ka na kaya?

sana ako'y mahal mo pa rin.


magbabalik ka pa ba,

o hindi na?

dahil habang buhay akong aasa,

hangga't alam kong ang araw ay sisikat pa.


saan ka man dalhin ng iyong mga paa,

saan ka man dalhin ng pangarap mo sinta,

asahan mong ako'y hindi magbabago pa,

pero nasaan ka na kaya? nasaan ka na nga kaya?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon