Babalik ka pa ba?

900 4 0
                                    

Babalik Ka pa ba?

Wala na akong maramdaman sa mga panahong ito

Sapagkat nang lumisan ka’y dala mo na ang puso ko.

Hindi ko na alam kung nasa mundo pa ako,

Sapagkat nang lumayo ka’y wala na ang mundo ko.

Alam mo ba kung saan may pagawaan ng relo?

Kasi tumigil ang oras ko ngayong wala ka na sa piling ko.

Kung pwede nga lang sanang lagi na lang akong nakapikit.

Sapagkat alam kong makikita lang kita sa aking panaginip.

Nasaan ka na kaya. Nasaan ka na kaya?

Saang bahagi ng daigdig kaya kita makikita?

Hindi ko na kayang saluhin ang aking mga luha.

Sinaktan mo man ako… Nasaan ka na kaya?

Kung alam mo lang sana

ang aking tinitiis,

Mga pigil na luha’t

pagkabog ng dibdib.

Babalik ka pa ba

o hindi na?

Nasaan ka man ngayon

sana ako’y maalala pa.

                   --mula sa "PAASA" (poetry-story)

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon