Nakikita mo ba Sila?

371 6 3
                                    

Nakikita mo ba sila?

By aeiouxz

Sila yaong mga taong nilimot na ng lipunan,

hinusgahan, niyurakan at pinabayaan.

Basura kung ituring, dumi sa paningin,

Natapakan na’t sinugatan ni hindi pa napansin.

Sa sobrang liit nila’y halos hindi mo na sila makita,

O kaya nama’y nahahagip ng paningin ngunit nababaliwala sila.

Mga tuyong dahong nahuhulog sa masaganang sanga,

Nililipad ng hangin, ang paroroona’y hindi matantiya.

Naglalakbay man sila’y tila walang paroroonan.

Naglalakad ng nakapaa, sa kawalan ang hantungan.

Kung saan abutan ng karimla’y doon na rin siya hihimlay,

Walang laman ang isip, pati tiya’y walang laman!

Masisisi mo  ba sila kung sila’y nagkagayon?

Masisisi mo ba sila kung naiwan na sila ng panahon?

Hindi kaya’t sila ma’y hindi natutuwang ikaw ay makita,

Ikaw na mapanghusga’t nangmamaliit sa kanila.

Biktima lang sila ng mapang-aping lipunan.

Napag-iwanan, buhay ma’y para na ring patay, nabulag sa kasinungalingan.

Sa daang liku-liko na kanilang  dinaraanan,

ay sino’ng maggagabay nang maitama ang kanilang patutunghan?

101414

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon