Mag-isang binabagtas ang madilim na sulok
Ng Mga alaalang nawala na parang usok,
Sa karimla'y hinahagilap ang lahat ng sagot,
Ng mga sugat ng pusong walang kasing kirot.Kahit alam Kong hindi magtatagal
Mas pinili Kong Hindi Umalis.
Kasi Akala ko ganun din ang gagawin MO.
Pero hanggang sa huling pagkakataon, binigo mo ako.
Pag-ibig na pansamantalang naging akin,
Nagbigay ng ngiti, ngunit ngayo'y nilamon ng dilim.
Pinilit limutin kahit palaging naiisip,
Napalitan ng kirot ang bawat pagsilip,
Sa mga alaalang laman na Lang ng panaginip,
Hanggang kailan Kaya matitiis ang lahat ng sakit?Ikaw ba'y nilalamon Kaya ng lungkot at pait,
Sa twina kaya'y hinahanap mga alaalang umuukit,
Sa mga mata kaya'y nakikita kahit nakapikit,
Mga labi kaya'y muling magdidikit?Mahal kita Ngunit ako kaya'y mahal PA?
Susubok o uurong ako pa ba'y mahalaga.
Babalik o iiwas, Saan ba pupunta?
Ang lahat kayo sa'ti'y naglaho't nawala na!?
YOU ARE READING
Mga Tula ng Isang Manhid
PoetryHighest Rank: #1 June 2013 Top 1-10 (June to August 2013) Para sa mga manhid. tanga. seloso. martir. suplado. paano nga ba ang magmahal? paano ang magmove on? paano mo ipapamukha sa ex mo na kaya mo nang wala siya? sana makatulong ang mga tula ko sa...