Kahit Kunwari Lang

1.3K 21 6
                                    

Kahit Kunwari Lang

Ni supladongtorpe09


Mahal kita, mahal mo rin ako,

Tanggap tayo ng lahat ng tao.

Mundo ko't mundo mo'y palaging konektado,

Kaysarap sana... kung lahat ng ito'y totoo.


Magkahawak kamay sa dalampasigan,

Habang naglalakad masayang nagkukwentuhan.

Mga puso nati'y iisa ang laman,

Kaysarap sana kung darating tayo sa walang hanggan!


Magkasukob sa payong ng isa't isa,

Magkasabay na hinaharap ang ulan ng problema.

Magkasabay na umuuwi gamit ang bisikleta,

Kaysarap sana kung sa kamataya'y magkasama!


Maglalakbay tayo sa hardin  ng ating mga pangarap,

Habang tayong dalawa'y sumasayaw nang magkayakap.

Sa dilim ng paligid nakahawak sa 'yong balikat,

Kaysarap sana kung ang mga ito'y malalasap!


Gigising ako sa umaga nang nakangiti,

Dahil sa pagmulat ng mata ko'y mahahaplos ko ang iyong labi,

Manggigising sa'yo't mangingitliti,

Ipagluluto ka sa umapa pati na rin sa tanghali!


Hinaharana ka kung tayo'y nagkakatampuhan,

Patatawanin ka kung akala mo'y palagi kang naiiwan,

Aakayin ka kapag di na kayang lumaban,

At buong pagmamalaking sasabihing, "Mahal ko iyan!"


Iaalay sa'yo ang mga araw at bituin,

Ang buwan, ang dagat pati na rin ang hangin!

Ibibigay sa'yo lahat ng hiling,

Ipapasyal sa palasyo na iyong dalangin!


Buong puso mong sasabihing ako'y iyong mahal,

Ipaglalaban sa mundo't mamahalin nang tunay!

Magsisilbi mong lakas sa daluhong ay pananggalang,

Kaysarap talagang damhin, KAHIT KUNWARI LANG!


6-18-13

[hindi ako makatulog nang gabing iyon kaya nagsulat na lang ako, ito ang nagawa ko.. hehheh]

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon