IF LOVE IS A GAME

2K 37 5
                                    

IF LOVE IS A GAME

Kung ang pag-ibig ay isang laro,

Gagawin ko ang lahat para manalo.

Hindi mandaraya’t hindi susuko,

Datnan man ng sigwa’y mananatiling nakatayo.

Akin mang ikasawi ang laban ng iyong pag-ibig,

Itakwil man ako ng buong daigdig,

Hinding-hindi patitinag, hindi padadaig,

Dahil ako ang karagatan at ikaw ang aking  tubig.

Ikaw ang sa aking puso at isip,

Ikaw ang dahilan ng pagtibok ng dibdib.

Ikaw ang pumapawi  ng lahat ng sakit,

At siyang kahulugan ng salitang pag-ibig.

Dahil ang ibigin ka’y siyang dahilan,

Kung bakit ako’y buhay at patuloy na lumalaban.

Sabihin mo lamang na ako yi’y iyong mahal,

Hindi magdadalawang isip na sa ‘yo’y pakasal.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon