Kahit

265 4 0
                                    

Kahit


Hindi mawaglit sa isip

Ang iyong mukha

Ni hindi ko na malirip

Kung kailan matatapos ang pagluha.

Ibinigay ko na ang lahat,

Sagad na ang lahat ng tiwala,

Pero bakit naiwang umiiyak

Bigla ka na lang nawala.

Ni walang paalam

Sa isang kurap ay nawala ang lahat,

Saan nga ba ako nagkulang?

Kailan ka muling mayayakap?

Sa twina'y nagtatanong ni walang sagot na makuha.

Sumigaw na't lahat lahat, wala man lang napala.

Araw gabi, sa kaiisip sayo'y nakatulala,

Nakatingin sa bintana, sa nagkikislapang mga tala.

Kaysakit isipin na hindi na kita makakausap gaya ng dati,

Ni hindi na kita mayayakap nang mahigpit ang sa ang hininga nati'y mapatid.

Kayhirap tanggapin na hindi na ako ang nagpapangiti sa'yo,

At hindi na rin ako ang laman ng puso mo.

Nangyayari na ang lahat ng aking kinatatakutan,

Mga pangamba'y tila mga kabuting kusang nagsulputan.

Lumayo ka na sa akin, iyong kalilimutan

Wala lang talaga sa'yo ang lahat, pampalipas oras lamang.

Ipinaglaban kita

pero ikaw ang umayaw.

Hinawakan kita nang mahigpit

pero ikaw ang bumitaw.

Para saan pa ang mga luha

Kung hindi mo naman ito makikita?

Para saan pa ang paghinga,

Kung ika'y wala?

Mahal na mahal kita

Higit pa sa buhay ko.

Kahit iniwan mo ako'y

Sa'yo pa rin iikot ang buhay ko.

Habang buhay na aasa sa mga pangako mo,

Kahit magmukhang tanga'y maghihintay pa rin ako.

Kahit masakit na.

Kahit hindi ko na kaya.

Kahit wala na talagang pag-asa...


Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon