SANA...

3.9K 73 21
                                    

SANA ...

sana kaya kong sabihin sa iyo

na mahal na mahal kita..

sana nasabi ko sa'yo dati

na ikaw lang at wala ng iba..

kung maibabalik ko lang sana

ang ating kahapon,

hindi ko na sasayangin pa

ang bawat pagkakataon,

ngunit anong magagawa

ng pusong ayaw bumangon.,?

 

sa pagkabigong

hindi ko halos maluom...



ganito ako noon sa iyo, 

ni hindi masabi ang nilalaman ng puso.

pilit kang minamasdan kahit sa malayo, 

mapunan lang ang pangungulila ko.


umabot pa sa puntong nais kang makasama.., 

at sana sa panaginip, ika'y makapiling pa.

kailan kaya magiging masaya, 

ang puso kong sabik sa iyong pagsinta...

 



ginawa ko ang lahat mapansin mo lamang, 

kumanta, sumayaw, at akala tuloy ng iba ako'y timang.

pero wala akong pakialam anuman ang sabihin nila, 

dahil alam ko, dito ako masaya..

kaya sana, ako na'y iyong mapansin., 

na ako sa iyo ay may lihim na pagtingin.. 

ayoko namang manatili na lang na isang tagahanga, 

sapagkat noon pa man, hiling ka na kay BATHALA...



sobrang bilis ng tibok ng puso ko, 

nang tayo'y magkasalubong doon sa may kanto, 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon