NANG AKO AY TULIAN

777 6 14
                                    

NANG AKO AY TULIAN

ni aeiouxz

isang karanasan ang aking hindi malimutan

ito ay nangyari sa aking kamusmusan

alam kong masakit pero kailangan

bakit nga ba kailangan pang lalaki ay tulian?

Hanggang ngayo’y nanatili pa rin sa aking isip,

Naaalala ko pa rin ang kirot at sakit.

Sa sandaling iyon dibdib ko’y sumisikip,

Salamat na nga lang at wala sa’ming sumisilip!

“Nguyain mo na ang dahon ng bayabas,

Gamitin mo rin ito sa iyong paglalanggas.

Wag ka magsyadong maglalakad  doon sa madulas,

At sa umaga dapat ika’y laging  maghuhugas!”

“’Wag kang mag-alala, parang kagat lang ‘to ng langgam,

hindi ito masakit, parang naggigwiyomi lang!

huwag  ka rin anak masyadong magdaramdam,

pagkat darating din ang araw na sugat mo’y maghihilam!

“Isa, dalawa, tatlo, apat  hanggang sampu!

Huwag kang pipikit, huwag kang uupo!

Pigilan mo ang paghinga’t huwag kang kikibo,

Upang ang dugo sa pagdaloy ay huminto!”

Wag kang mag-alala gagaling din iyan!,

Isang linggo ka lang magtitiis sa’yong ***  na sugatan!

Pag natapos na iya’y mapapabilang ka na sa listahan,

Sa mga tunay na kalalakihan.

Hinding-hindi ko malilimutan ang karanasang iyon,

Hindi ko iyon malilimutan sa paglipas ng panahon,

Bagamat masakit, handa taas noo kong isisigaw,

Na ako’y tuli na’t hindi na pungaw!!!

 ahahhahha.. ang adik  lang  ng tula ko!! ahahah sinong nakakarelate??!! ahahha

6-22-13

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon