Tama na

590 7 0
                                    

Tama na

by aeiouxz

Saka mo lang malalamang nasasaktan ka na

kapag may luha nang tumutulo sa iyong mga mata.

Saka mo lang matatantong ayaw mo na

Kapag hindi mo na kaya.

Kung minsan, kapag ipinilit natin ang isang bagay

ay lalo lang tayong masasaktan.

Kaya't mabuti pang sumuko at tumalikod na lang,

Limutin ang lahat kahit masakit sa kalooban.

Masakit ang lumimot,

pero mas masakit at mali ang magpakatanga.

Gumising ka na sa bangungot

at tanggaping wala na siya.

Hindi na kayo! Tanggapin mo na iyon.

Hindi na maibabalik ang nakaraan dahil nangyari iyon.

Hayaan mong ang sugat mo'y hilumin ng panahon

At kasalukuyan isip mo'y ituon.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon