Pasensya na

293 5 0
                                    


Bakit di mo ako pinakikinggan?
Naisip ko tuloy, tunay mo ba akong minamahal?
Hindi mo man lang natanong kung naaapektuhan ba talaga ako.
Wala lang naman naman akong ibang inisip kundi ang kaligayahan mo.

Lagi ka na lang umuuwi nang malalim na ang Gabi.
Mag-isang naglalakad sa kalsadang walang ilaw na nakasindi.
Nag-aalala lang naman ako sayo.
Kung ano nang mga nangyayari sayo.

At ngayon, tingnan mo ang sarili mo.
Iniisip ko, pag-ibig mo ba'y totoo?
Ni hindi na tayo nakapag-uusap gaya ng dati
Gayong nasanay na akong kausap ka hanggang sa  hatinggabi.

At ang paggugol ng oras sa tulad mong hindi ko ganap na kilala,
Pasensya na, pero hindi ko kaya ang palayain ka.
Pero kung nais mo talagang magkaroon ng kaligayahan,
Sige, lumayo ka na, at pagsisisihan mo ang lahat ng iyong kagagawan.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon