Ibulong sa Hangin

572 6 0
                                    

Ibulong sa Hangin

by aeiouxz

Maaari ba’ng ako ang maging dahilan ng bawat mong ngiti,

Ang bawat galak at  tuwa ng mapula mong labi.

At siyang nagpapawi ng bawat mong hikbi,

At sa gabi’y ako’ng lagi ang iyong katabi.

Maaari ba’ng ako ang lagi mong kayakap?

Ang  dahilan ng bawat pagsulyap sa ulap.

Ang magpapatili sa matang nangungusap,

At sa paggising sa umaga’y ang unang hinahanap.

Maaari ba’ng ako naman ang iyong mahalin?

ang iniisip sa tuwina at lagi mong hiling.

Ang magpapadama ng tunay na kaligayahan,

At magpapalaya sa bawat alinlangan.

Maaari ba? Hanggang dito na lang ba talaga ako sa’yo?

Palaging nasa isang tabi’t  pinagmamasdan kayo malayo.

Alam kong masaya ka na, masaya sa piliang niya.

Pero  hindi ba maaaring ako naman ang dahilan ng bawat mong pagtawa?

Mahal na mahal kita, mananatili na lang ba itong lihim?

Mananatili na lang ba akong hangin na hindi mo napapansin?

Tanging buntong hininga na lang ba ang dadamay sa akin,

At ang pag-ibig sa iyo’y ibubulong na lang sa hangin?

9-6-14 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon