HUWAG KANG TANGA

974 5 0
                                    

HUWAG KANG TANGA

Ni aeiouxz

Hindi ka niya mahal.

Umaasa ka lang na totoo ang lahat ng pinapakita niya.

'Wag kang maniwala sa mabulaklakin niyang salita.

Alisin mo siya sa puso mo hangga't may oras pa,

Gagawin ka lang niyang gago kapap kumagat ka sa bitag nya.

Kalimutan mo na ang lahat ng kanyang mga pangako.

Ang lahat ng 'yan ay palabas lang at bahagi ng kaniyang panloloko.

Nararamdaman mo'y itinuturing lang niyang laro,

Ginagamit ka't tinutukso para masunod ang kanyang luho.

Tanga ka ba o tanga ka na talaga?

Alam mo namang hindi ka nya mahal pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo?

Niloloko ka lang nya, pwede bang makinig ka?

Gamitin mo yang mata mo at hindi 'yang tangang puso mo.

At malalaman mong may nakahihigit pa sa kanya, tapat at mas mahal ka tulad ng                                  ginagawa ko.

Boom!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon