Bakit Mahirap Gumawa ng Tula?

1.1K 5 1
                                    

Bakit Mahirap Gumawa ng Tula?

ni supladongtorpe09

Bakit nga ba kung minsan

Ay kayhirap gumawa ng tula?

Mga salitang sa utak ay nagsusulputan,

Kapag isusulat na’y bakit biglang nawawala?

Simple lang naman ang dahilan

kung bakit tayo nagsusulat,

Ito’y para maisawalat ang mabibigat na damdaming

Sa uhaw na puso nagbubuhat.

Mga mapapait na alaala’t masasayang karanasan,

Sa pamamagitan ng tula’y atin itong naisisigaw.

Mga bagay na hindi kayang ilabas ng bibig na nangangatal,

Sa pamamagitan ng tula’y nagkakaroon ng buhay.

Sa bawat luhang sa mata nagmumula,

Nababawasan ang sakit sa pamamagitan ng tula.

Dahil kapag ayaw nang  makinig sa iyo ng madla,

Hindi-hindi ka niya iiwan, sasamahan ka pang tumanda.

Sa mga oras na ika’y nag-iisa sa dilim,

Pinagmamasdan ang sikat na buwan ng mata mong  nangungulimlim,

Habang umaagos ang luhang matagal mo nang kinikimkim,

Tila nais mong itala ang mga sakit ng ‘yong damdamin.

Tunay ngang ang pagsulat ng tula’y hindi madali,

Lalo na’t kung ika’y naguguluhan at ang nakikita mo lang sa daigdig ay mali.

Pero kung iyong bibitawan ang pait sa puso mong sawi,

Ang isip mo’y mabubuksan at ang mga salita’y bubukal nang hindi mo nawawari.

 4-15-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon