Let Me Be The One to Break Your Heart

1.2K 8 0
                                    

YOW! ito po ang una kong poetry-story na naisulat. Nandito na rin ito sa wattpad, nilagay ko lang dito para mas madaling mabasa. Kasi by chaps ang pagkakalagay k osa isa.

LET ME BE THE ONE TO BREAK YOUR HEART

by aeiouxz

Alam mong mahal ka niya,

at ganun din siya sa'yo.

Pero panu kung  hindi ikaw ang pinili niya,

sa halip ay ang bestfriend mo?

Paano kung sabihan ka ng taong mahal mo,

na huwag kang magmahal ng iba.

Ano ang gagawin mo,

sa pag-ibig mo para sa kaniya?

Mahal ko siya, noon pa man.

Kababata ko siya, at matalik na kaibigan.

ngunit paano ko pipigilan,

ang pag-ibig ko na sa kaniya ko lang inilaan?

In a relationship na siya ngayon,

samantalang ako, single pa rin!

sabi niya sa tamang panahon,

ako'y liligaya rin!

"Wag kang magmahal ng iba ha!"

Yun ang sabi niya sa akin.

Subalit ako'y nagtataka,

kung bakit niya iyon itinagubilin.

Alam nyang mahal ko siya,

Per obakit ayaw nyang magmahal ako ng iba?

May mahal siyang iba,

Pero bakit ayaw nya akong lumigaya...

sa piling niya...

Hinding-hindi ko maintindihan

ang aking nararamdaman.

sa isip ko'y nagsasalimbayan

ang maraming katanungan.

Mahal na mahal ko siya,

pero bakit iba ang kasama niya?

Bakit ayaw  niyang mahalin ko siya,

Ay tungeks! May mahal na nga pala siya!

Nandito kami ngayon sa canteen,

favorite place namin.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon