Manloloko

2.3K 10 0
                                    

MANLOLOKO

ni supladongtorpe09



dalawang pusong sugatan.
mga matang luhaan.
dalawang utak na naguguluhan,
at mga paang ayaw nang humakbang.



bakit nga ba kailangan pang pahirapan ang isat isa
gayung laman ng ating puso'y hindi nagkakaiba                                                                             hahayaan na lang ba nating masayang ang masasayang alaala,
o sabay na haharapin ang mundo nang magkasama?



simula pa lang nung araw na una kang makita,
alam ko na sa puso kong sayo lang ako sasaya.
pero bakit nang ikaw ay nariya't kapiling na,
saka naman sumiksik sa puso ko ang salitang ayoko na!



pagod na akong magpanggap at magkunwari.
hindi ko na kayang tiisin ang hirap na dinadala ko parati.
hindi ko na magagawa pang haplusin pa ang iyong labi.
pagkat nararamdaman ko'y hindi saya kundi hapdi.



sabi mo noon ako lang at wala nang iba.
pero bakit paglingon ko'y iba na ang iyong kasama
manhid ka bang talaga o nananadya ka na?
kailangan mo pa bang ipamukha sa aking walang-wala ako sa kanyA?



ibang iba ka na talaga.
hindi na ikaw ang babaeng una kong nakilala.
noon ang dulot mo sa aki'y galak at saya.
samantalang ngayo'y mga luha't pagdurusa.



ano nga ba ang dapat gawin ng puso kong tanga?
ano ang dapat kong gawin sa tinitiis kong pangamba?
mahal kita pero bakit ngayo'y nagmahal ka na ng iba.
inialay ko na sayo ang daigdig ngunit bakit ako'y sinaktan mo pa?



tanga ang aking puso.
bulag ang aking mga mata.
nagdurugo ang aking utak
at di maihakbang ang mga paa.



bakit nga ba kailangan ko pang pahirapan ang sarili ko?
gayung alam ko na ngayong mahal nya'y di ako.
hahayaan ko na lang bang lumuha ang mga mata ko?
o lakas-loob na haharapin ang mundo nang wala ang tulad nyang manloloko?

ps. mag-ingat sa mga manloloko

"walang manloloko kung walang magpapaloko.. pero wala ring maloloko kung walang manloloko... "tama di ba?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon