KAIBIGAN KONG TUNAY

2K 41 18
                                    

KAIBIGAN KONG TUNAY

 by aeiouxz

Kaybilis na lumipas ang mga araw at taon.

Ako'y labis na nagulat  kung sa'n napadpad ng panahon.

Ikaw at sila, tayong lahat ay nagtatanong,

Buhay natin sa mundo ay sa'n kaya hahantong?

Iniisip kong lagi kung paano kaya,

Gugugulin ang sandali kung ikaw ay wala.

Agam-agam, problema, kalungkuta't pangamba,

Ngayon ay kayang harapin, masugatan man ang paa.


Kayang-kaya ang lahat kapag ikaw ay nariyan,

Oh aking kaibigang sa tuwina'y gabay.

Naniniwala ka't loob ay pinatitibay,

Gustuhin mang sumuko, ika'y laging nakaalalay.


Tunay na kaysarap balikan ng nakaraan.

Ulit-ulitin man ang sandali'y hinding-hindi pagsasawaan.

Ngayong kayo'y malayo na't minsan na lang mapagmasdan,

Alaala'y mananatili sa ating pusong nagsumpaang,

Yaman natin ang ngiti ng isa't isa magpakailanman...



A/N: this is dedicated to my dear friends... sa Team GALAXY WARS...

maraming maraming salamt sa inyo.. pinasaya nyo ang buhay ko., sa lahat ng oras na malungkot ako, hindi kayo nagsasawang dumamay sa akin... sa mga oras na sinusumpong ako, maraming salamat dahil hindi kayo nagsasawang unawain ako...

hehhehe...

basta andito lang ako lagi para sa inyo, tutulong ako hangga't kaya ko...

sama-sama nating bubuuin ang ating mga pangarap hanggang sa marating natin ito..

salamat kina Pjhay, kuya elwood, ated aljon, meryrose, rowell, omar, jheanziel, starsky, rio, jenny, jheff, shawn, quinard, at...

sino pa ba?? may nakalimutan ba ako?? hehhe..

basta salamat sa inyong lahat.. kayo ang aking katropa, kasangga, kaibigan, karamay at kapamailya... hehhehe

kasama kayo sa mga bumuo ng pagkatao ko..

WALANG IWANAN HA???

hehehhe

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon