Bangungot

303 5 0
                                    

Ang pananahimik mo'y isang malakas na hiyaw na nakabibingi.

Isang bangungot na dinadalaw ako kahit hindi pa gabi.

Isang lasong tumutunaw sa natatanging pag-asa ng ating pagkasi,

Naisin ko mang umiyak ay wala nang lakas pang nalalabi.



Nasaan ka sa mga oras na kailangan ko ang iyong tinig?

Nasaan ka nang kailangan ko ang iyong yakap sa gabing kaylamig?

Bakit mo ako iniwan sa mga panahong kailangan ko ng kasalo,

Sa laban ay natalo dahil wala ni iyong anino.



Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon