NAGLALAHONG LIWANAG

1.6K 30 8
                                    

Naglalahong Liwanag

Ang dakong karimlan ng kanyang silid na nakapinid,

Binasag ng katahimikang nagmumula sa dibdib.

Kaluskos na likha ng piping hangin sa sahig,

Sinasapo ng matang dinadaluyan na ng tubig.

Hindi naglao’y itinanghal na naman ang pagluha,

Sinisisi na naman niya ang kanyang pusong may sala.

Nagmahal ngunit nasaktan, bumangon ngunit nadapa,

Saan na nga ba sya tutungo, sa kanan o kaliwa?

Lahat ng meron s’ya’y kaniyang isinakripisyo.

Magandang buhay, pera, mga alahas at trabaho.

Naniwala sa pangako ng lalaking nanunuyo,

Ngunit siya’y sinaktan, iniwan pa at niloko.

Sa sobrang pagmamahal sa kaniyang unang pagibig,

Ibinigay ang lahat maging kapalit ay ligalig.

Siya’y pinagsamantalahan isang gabing malamig,

Sa isang liblib na lugar, madilim at matalahib.

Hindi nga naglaon, dumating na ang kinatatakutan,

Mga tukso’t  pandudusta siya ngayon ay tampulan.

Nawala na ang lahat, kanyang pamilya’t kaibigan,

Ang tangi lang niyang kapiling ay ang bilog na tiyan!

Sa nangyaring iyon sa kaniyang madilim na buhay,

Nawalan s’ya ng pagasa’t wala nang ganang mabuhay.

Sinisisi ang Diyos sa kaniyang kamalasan,

Paano ang ngayo’t paano na ang kinabukasan?

Siya ngayon ay nagiisa  sa madilim na silid,

Dinadama ang tiyan, at ang kumakabog na dibdib.

Inuulinig ang tunog ng piping hangin sa sahig,

Lumuluha ang mga mata at basag na ang tinig.

Ang sa kaniyang isip ay pagsisisi at pagsuko,

Itatapon ang lahat, sasayangin at ihihinto.

Ang mga lason ng karimlang dumadaloy sa dugo,

Kumikitil, bumibidbid, at pumapatay sa puso.

Sanggol sa sinapupunan, wala na s’yang pakialam.

Pagka’t ito’y bunga ng kaniyang dusa’t kabiguan.

Isang madilim na pahina ng kanyang nakaraan,

Na ayaw niyang  maalala at ayaw nang balikan.

Bago  niya lisanin ang kanyang  silid na madilim,

Siya’y nanikluhod at nanalangin  nang mataimtim.

Sa gagawin niyang ito hangad niya’y patawarin,

At nais niyang  sa langit, siya’y makarating pa rin!

A/N: WOOHHHH!!!! Nalulungkot ako sa kinahintnan ng tula kong ito, hehheheh ang lungkot pala!!!

Ako, pag naging tatay na ako, hinding hindi ko sasaktan ang magiging kabiyak ng buhay ko… mamahalin ko siya at ang magiging bunga ng pagmamahalan namin. Paninindigan ko siya at magkasama naming haharapin ang mga unos at mananatiling magkahawak ang kamay sa sandaling  maglalakbay na kami pabalik sa langit… hehhehehe

 

Lesson: “MANINDIGAN at THINK TWICE BEFORE YOU ACT…”

 

J

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon