Bayani (Tulang puro patinig na "a")

1.4K 7 0
                                    

Bayani (Tulang puro patinig na "a")

Ni aeiouxz

I

Nakatala sa kasaysayan ang kanyang pangalan.

Magandang kabanata ng alamat ng nakaraan.

Kalayaang hangad ang kanyang alay.

Para sa bayang pagal at napagsamantalahan.

I

Walang armas na nasayang.

Walang dahas na naganap.

Sa kanyang pamanang aklat,

Na sa mata ng baya’y nagpaalab.

I

Salamat sa tapat na pagmamahal.

Makata ng bayan, araw-araw kang hahangaan.

Walang hanggang pasasalamat ang alay ng lahat,

Baya’y nagagalak, magsasaya’t magpapalaganap.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon