Paglalakbay sa Kawalan

767 9 0
                                    

Paglalakbay sa kawalan

By aeiouxz

I

Araw-araw, naglalakay tayo sa kawalan.

Tila ba hindi mawari kung ano ang tamang daan.

Ano’ng kahihinatnan ng mga pagsisikap,

At sa kasalukuyan kaya’y ano’ng magaganap?

II

Maraming tanong ang hindi mahanapan ng kasagutan.

Ano ang hinaharap, sino ako sa kasalukuyan?

Kapag namatay ako’y saan patutungo,

Sa langit bang payapa o sa nagngangalit na impyerno?

III

Mga nakabibingi’t galit na boses ng kasinungalingan,

Mga kulog at kidlat ng mapangwasak na kapangyarihan.

Nakalilito’t nakatatakot, nakapangingilabot,

Kapag ang daigdig ba’y naglaho, saan tayo aabot?

IV

Sa dakong karimlan sa labas ng daigdig,

Mayroon kayang buhay, mayroon kayang pag-ibig?

Sa ilalim ba ng lupa’y may nakatagong paraiso,

O isang kahariang pinaghaharian ng demonyo?

V

Kapag ang tao’y nawala at naging kaluluwa,

Saan siya mamamalagi, saan siya pupunta?

Mawawala na nga ba’ng lahat ng sakit at pagdurusa,

O simula pa lang ng mas mahirap na delubyo at parusa?

VI

Tao’y saan nga ba nagsimula’t nagmula?

Bakit may daigdig, bakit ang mata’y lumuluha?

Bakit ang bata’y may pangarap, bakit may galak at tuwa?

Saan nga ba hahantong ang pangit kong tula?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon