Bakit Pa?

717 5 0
                                    

Bakit Pa?

by aeiouxz

 

May mga bagay na kahit gusto mo ay kailangan mong bitawan.

May mga masasayang alaala na kahit masakit ay kailangang kalimutan.

May mga taong kahit napapasaya ka ay kailangang iwanan,

at may mga desisyon na dapat gawin kahit ika'y napipilitan.

 

Bakit pa ba kailangang humantong tayo sa napakahirap na pagpapasya?

Bakit pa kailangang isakripisyo ang isa para sa kapakanan ng iba?

Bakit pa kailangang iwaksi ang lahat ng alaala?

Kung sa dakong huli ay masasaktan ka pa?

 

Ang mga lugar sa puso natin ay nakaukit,

Bakit ngayon sa gunita ay nag-iiwan ng sakit?

Ang mga taong sa atin ay nagpasaya't nagpasabik,

Bakit ngayo'y sa alaala na lang sila nababanggit?

 

Maaaring makalimot ang ating utak,

Pero asahan mo't sa puso ay mag-iiwan ito ng sugat.

Maaaring sabihin mong kalimutan ko na dapat,

Pero asahan mo't ang puso ang unang susumbat.

 

Bawat pitak ng alaalang nabuo sa pahina ng kahapon.

Asahan mo't mananatili sa puso mo hanggang ngayon.

Ngunit ang katotohanang ito'y kukupas at lalaon,

ang siyang susugat sa'yong  pagkatao sa lahat ng pagkakataon.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon