Pamamaalam ng Isang Guro

2.2K 4 0
                                    

Pamamaalam ng Isang guro

ni supladongtorpe09

Sa bawat simula, wakas ay di maiiwasan.

May darating at mananatili, ngunit mayroon ding lilisan.

Mga nabuong alaala'y di na madudugtungan,

Ngunit asahang sa puso'y mananatili ang marikit mong larawan.

Noong una'y hindi mapigil ang kabog sa dibdib,

Paano ba pipigilan ang mga tuhod kong nanginginig?

Mga seryosong mukhang sa aki'y nakatitig.

at mapanuring taingang sa bawat sa salita ko'y nakikinig!

Ngunit ang lahat ay napawi't nag-iba,

Masasayang ngiti sa mukha'y akin nang nakita.

Sa unang araw natin lahat ay nagpakilala.

Natawa, kinabahan sa mga banat kong nakakadala.

Hindi man tayo magkakilala ng lubusan,

Naging bahagi ka agad ng mga ngiti ko't kakornihan.

Sa mga "waley" kong biro hals lahat ay nagsigawan,

kung kaya't madalas tayong mapuna't mapagalitan.

Sino ba naman ang makakalimot sa "Mga Sulat ni Itay"?

Madamdaming sulat na sa ati'y nagpatibay.

Lumuha't nagbahagi ng natatanging karanasan,

Napagnilay-nilayan din maling nagawa sa magulang.

Sa bawat presentasyon, napaghandaan man o hindi.

Sa pagtatapos ng pag-uulat ibinaato ko'y ngiti.

Sa bawat kuwento, tula't sanaysay,

Naihahambing mo't nasasalamin sa sarili mong buhay.

Ang lahat ng ito'y ating napagsaluhan,

Mga aral sa buhay ay ating natutunan.

Hinding-hindi 'to mapapawi sa aking isipan,

Asahan mo't babaunin ko hanggang kamatayan!

Maraming salamat sa iyong pakikinig,

sa mga tula tuloy kayo'y nahilig,

Ako ma'y lilisa't ika'y iiwan,

Hinding-hindi ka mawawala sa puso ko kailanman!

Mahal na mahal kita hindi na iyon magbabago,

Hindi ko man masabi'y tingnan mo na lang ang mga mata ko.

Istorya ng iyong buhay na nagpatingkad sa ating kuwento,

Huwag sanang mawala, nawa'y itanim mo sa 'yong pagkatao.

****

mamimiss ko kayo. :')

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon