Tulad ng Kandila

915 8 0
                                    

Tulad ng Kandila

by aeiouxz

Pagmamahalan nati’y nauupos na kandila,

Umiikli, lumiliwanag, kumakapit ang luha,

Noong una’y kaysaya, ngayo’y nawalan ng sigla,

Naparam, naglalaho, sa karimlan din ang punta.

Nais man kitang ingata’y darating din ang pamamaalam,

Magwawakas, maglalaho ang matamis na suyuan.

Buhayin man ng sandali’y inuusig ng alinlangan,

Mawawalan ng liwanag, iyon ang katotohanan.

Sa bawat patak nitong upos na alaala,

Mga ngiti’t paglalambing ay ‘di na maipipinta.

Mananatili ma’y lilisan din, malulusaw ng araw,

Hanggang dumating sa puntong indi ka na matatanaw.

11-4-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon