Kung Ako'y Iiwan Mo

442 7 0
                                    

Kung Ako'y Iiwan Mo

by aeiouxz

Kung ika'y lilisa't ako'y iiwan mo na,

Pakiusap huwag ka nang magpapaalam pa.

Mas mainam kung magigising na lang akong wala ka na,

at tuluyan ka nang naglaho sa aking mga mata.

Masakit pero kakayanin ko ang hirap ng dibdib,

ang bawat buntong hininga'y hindi mo na maririnig.

ang kirot at kalungkutan ay ikakanlong na lang sa pag-idlip,

Hanggang tuluyan ka nang maglaho sa aking panaginip.

Dahil kung magpapaapekto man ako'y hindi mo rin makikita.

Kung sirain ko man ang buhay ko'y wala ka nang pakialam pa.

Kakayanin ko ang buhay nang ako'y nag-iisa,

Kahit sa mga pangarap ko't alaala ika'y naroon pa.

Natatandaan mo pa ba ang araw na una tayong nagkita?

Ang aking paligid ay tila tumigil at parang kumakanta.

sa isang kislap ay naramdaman kong mahal kita,

pero sa isang iglap din ay nawala ka na.

Paalam aking mahal, sana matagpuan mo ang tunay na kaligayahan.

paalam na sa pag-ibig na minsang pinagsaluhan.

Nawa sa paggising ko'y mawala na ang lahat ng tuluyan,

Kahit ang totoo'y mahal kita kahit ako'y naging panakip butas lang.

***

Bakit mahal pa rin kita sa kabila ng lahat?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon