KABIGUAN

1.3K 14 0
                                    

KABIGUAN

ni supladongtorpe09

Parang isang bloke ng yelo

Na nabilad sa arawan,

Parang manggang nakakangilo,

Na wala man lang sawsawan.

Parang isang  palasyo

Na walang reyna’t hari,

Prang isang karpintero

Na wala man lang lagari.

Parang isang panulat,

Na walang tinta,

Parang sinigang na maalat,

At walang pamint!

Parang isang timplang kape,

Na walang asukal,

Parang estudyante

Na hindi nag-aaral.

Parang isang bulaklak

Na nalalagasan ng talutot,

Parang isang itak,

Na tadtad ng bingot.

Parang kapaskuhan

Na wala man lang suman,

Parang si Master Showman

Na walng tulugan!

Parang isang pangako

Na hindi natupad,

Parng ibong nahuli ko,

Na hindi  makalipad!

Parang isang kuwarto,

Na walang ilaw.

At higit sa lahat, parang ako….

KUNG WALANG IKAW!!!

ako to... kung alam mo lang !! naranasan ko ang lahat ng iyan nang wala ka.. tsk!! iuntog kay kita sa pader para matauhan ka at marealize mo na mahal mo rin ako!!!

hirap kasi sa'yo eh.. maghahanap ka pa ng iba eh andito lang nman ako!!

may kasama pa sana  ito eh, hehhe eto oh..

5-3-13

 

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon