Pagbabago

883 4 0
                                    

Pagbabago

Ni supladongtorpe09

Sa bawat paggalaw

ng kamay ng orasan,

Ay mga bagay na nangyayari

nang hindi natin inaasahan.

May mga taong kailangang magpaalam,

At may mga taong lulugar sa puwang na kanilang naiwan.

Ito ang buhay.

Sa bawat oras na lumilipas,

Ang pagbabago’y kasabay.

Hindi na natin ito maaaring ibalik,

Bagkus ay isa na lang alaala,

Na nakapapanabik.

Ang daigdig ang siyang tanghalan

Ng ating buhay.

Tayong mga tao ang nagsisiganap,

At tayo ang bida

Sa kuwentong nais nating malasap.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon