TATSULOK NA PAG-IBIG

3.6K 85 25
                                    

TATSULOK NA PAG-IBIG



pag-ibig kung minsa'y sadyang mapaglaro
nasasakta't bigo ating mga puso,
kung minsa'y napupuno ng dusa't hinampo.,
ang ating mga pusong sa kasawia'y lango.



dalawa kaming sayo'y nagmgamahal
dalawang naghihintay sa'yong pagdatal.
ang isa'y mabibigo't magugunaw ang daigdig,
at ang isa nama'y masayang hihimig.



sino ba sa amin ang mas nakalalamang?
sino sa amin sa mata mo'y mas matimbang?
siya na mahal mo, at minamahal ka?
o akong mahal ka, mula ulo hanggang paa???



sa sitwasyon 'tong tatsulok na pag-ibig
ang ating mga puso'y batbat ng ligalig.
sinuman sa amin ang 'yong pipiliin,
ay maluwag sa pusong tatanggapin...

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon