Paalam

535 7 0
                                    

Paalam

by aeiouxz

Niyakap niya ako nang mahigpit.

Ang kaniyang mga luha ay dumako sa aking bisig,

ang kaniyang mga mata ay may bahid ng lungkot,

tila namamaalam, ramdam ko ang dinadala niyang kirot.

Nakapanghihina ang bawat niyang buntong hininga.

Nahahawa ako. Naaawa ako sa kaniya.

wala akong magawa kundi ang tingnan siya,

at hawakan ng mahigpit ang kamay niyang namumutla.

Bumuhos ang malakas na ulan.

Tumila.

at sa tuluyang pagsakop ng katahimikan sa paligid,

ay ang pag-alingawngaw ng mga panangis na pinaka-ayaw kong pakinggan.

 111214

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon