Magkabilang Mundo

1.4K 18 0
                                    

Magkabilang Mundo

ni supladongtorpe09

Mundo ko’t mundo mo ngayo’y magkaiba.

Ang iyo’y kapayapaan, ang aki’y pagdurusa.

Gumigiti ang aking luha ngunit ika’y nagsasaya,

Karosa ng pangungulila ako’y sakay na mag-isa.

Araw-araw, gabi-gabi ni hindi ka naalis,

Binabalikan ang sandaling ika’y tinitikis.

Iniisip kong lagi kung bakit kita tiniis,

Lunday ng pgkaduhagi, ngayo’y hindi ko na mailihis.

Alam kong hanggang ngyon ikaw pa ri’y may hinanakit,

Nananalaytay pa rin sa’yo ang dulot kong sakit.

Ginigiit mo noong sa’yo, ako’y walang kapalit.

Manapa’y sinaktan ka pa rin dinusta’t minaliit,

Umiyak man ako ng dugo’y wala na ‘kong magagawa,

Ngayong ika’y malayo na’t kapiling na ni Bathala,

Diyan sa langit mhal ko, sana ika'y madatnan pa,

Oh mutyang itinatangi, patawad ko sana’y tanggapin na!

5-3-13

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon