Paalam

1.2K 7 2
                                    

PAALAM

Ni supladongtorpe09

Nagsimula ang lahat ng hindi ko inaasahan,

At natapos ang sa atin nang biglaan.

Hindi natin ito ginusto,

Pero ang nakatakda’y hindi na mababago.

Mahal kita mahal mo rin ako,

Pero bakit kontra sa atin ang mundo?bakit hindi na lang tayo hayaang maging masaya?

At manatili sa piling ng isa’t isa?

Sa alaala ko na lang ba muling makakasama?

Sa alaala na lang  ba mamamasdan ang mapupungay mong mata?

 Bakit pa kailangang tayo’y mahirapan pa?

Gayung noon pa mang una ay mahal na natin ang isa’t isa.

Ang lahat ng tawanan, asaran, at ating kulitan,

Biglan na lang naglaho’t hindi na maramdaman.

Umiiwas ka dahil iyon ang kailangan,

Kahit pa sa puso mo’y may pag-aalingangan.

Sa tuwing nagkukrus ang ating landas,

Ang lungkot sa’yong mata ay aking mababakas,

Alam kong labag sa’yo ang ginagawa mo,

Pero wala kang magagawa dahil alam mong sa ganito’y magkikita pa rin tayo.

Marami ako sa ‘yong nais na sabihin,

Ang aking puso’y  nais kang yakapin,

Gusto kong haplusin ang pisngi mo nang madiin,

Pero hindi na… hindi na puwede… pagkat may hadlang sa atin.

Bakit ba hindi nila tayo maunawaan?

Bakit hindi nila matanggap an gating pagmamahalan?

Hindi ba nila naisip na pareho lang tayong nasasaktan?

Sa agos ng ating sitwasyon na kayhirap sabayan?

Sa mga panahong wala ka  sa aking piling,

Aking hinihiling na   sana oras ay dumating,

Na tayong dalawa’y muling magkakasama,

At sa paglipas ng oras ay magkahawak kamay na!

Ngunit hindi na yata iyon mangyayari,

Pagkat ang mundo nati’y di na tulad ng dati.

Hindi pwede… ayaw nila’t di maaari

Ang muling makasama ka’y daig pa ang pagbabaka sakali.

Mahal natin ang isa’t isa pero hanggang salita na lang iyon,

mahal natin ang isa’t isa ngunit iyon ay isa na lang malaking tanong.

Kung pwede lang sanang turuan ang  ating puso na hindi masaktan,

Gagawin ko sapagkat alam kong patuloy lamang tayong mahihirapan.

Siguro nga’y hindi tayo para sa isa’t isa.

Pagkat ikaw at ako, ang estado’y magkaiba.

Hindi maaaring ika’y mapunta,

Sa taong tulad ko na api at aba.

Paalam na sa ating pag-ibig na pinagsaluhan,

Paalam na sa pangarap na sabay nating kinulayan.

Paalam na sa ‘yo, mahal kong paraluman,

Sana sa kabilang buhay pag-ibig nati’y madugtungan.

Ngunit bago pa man tuluyang ang lahat sa ati’y matapos,

May isang bagay ako na nais kong iyong matalos.

Lumipas man ang araw at hindi ka man matanaw,

Alaala mo’y mananatili sa puso kong walang ibang laman kundi  ikaw!

5-4-13

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon